Lubos ang pasasalamat ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP) sa Commission on Higher Education–NCR at sa Regional Quality Assessment Team (RQAT) sa pagkakaloob ng Certificate of Program Compliance (COPC). Itinuturing itong isang malaking hakbang para sa higit pang mataas na kalidad ng edukasyon na maibibigay sa ating mga mag-aaral.
Bilang bahagi ng selebrasyon, idinaos ang isang awarding ceremony upang pormal na igawad ang COPC sa pamunuan ng PLP. Kabilang sa mga dumalo sina Mr. Victorino P. Datuin, Chief Education Program Specialist, na nagbigay ng inspirasyonal na mensahe; Mr. Sharn Rosmer Baluyot, Education Supervisor II; Ms. Marife P. Flores, Education Supervisor II; at Ms. Rowena Ann V. Malabanan, Education Supervisor II.
Dumalo rin sa pagtitipon sina Mayor Victor Ma Regis N. Sotto, Congressman Roman Romulo, Konsehal Simon Gerard R. Tantoco at Konsehal Ronald Alan M. Raymundo na nagpaabot ng mga pagbati at suporta. Ang kanilang presensya ay patunay ng matibay na ugnayan at kooperasyon ng Pamantasan, CHED, at ng Lokal na Pamahalaan para sa kapakanan ng komunidad at ng mga estudyante.
Iniaalay ng PLP ang tagumpay na ito hindi lamang sa mga lider ng lungsod kundi lalo’t higit sa mga mag-aaral, ang tunay na dahilan ng lahat ng pagsisikap.
Patuloy na isusulong ng Pamantasan ang malasakit, kahusayan, at pakikipagtulungan bilang pundasyon ng serbisyo, Edukasyon para sa sarili, pamilya, at bayan.
#PLPasig#EdukasyonParaSaSariliPamilyaatBayan














