
Buong sigla at taos-pusong ipinagdiwang ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP) ang Buwan ng mga Guro ngayong Setyembre 29, 2025 sa temang “Gurong PLPian: Gabay, Inspirasyon, at Pag-asa ng Bayan.”
Sinimulan ang selebrasyon sa masiglang zumba na pinangunahan ng College of Education (COED), kasunod ang college-wide celebration nito na puno ng awit, sayaw, tula, at palaro para sa kaguruan.
Kinilala ng College of Arts and Sciences (CAS) ang mga guro bilang “kumpas” ng paroroonan, tampok ang awitin mula sa bandang When Freud Learns to Rock ng AB Psychology.
Samantala, sama-sama ring naghandog ng programa ang Departamento ng Accountancy, Entrepreneurship, at BSBA Major in Marketing Management para sa kaguruan ng College of Business and Accountancy (CBA).
Naglunsad naman ang College of Computer Studies (CCS) ng isang pajama party bilang simbolo ng ginhawa at kasiyahan para sa mga guro nito.
Nagtanghal naman ang College of International Hospitality Management (CIHM) ng isang pagtatanghal na puno ng aral at inspirasyon para sa mga guro ng kanilang Kolehiyo.
Sa College of Nursing (CON) naman, sabay-sabay na naghandog ang mga Student Nurse (SN) ng mga regalo’t pagtatanghal.
Sa kabilang banda, nagsagawa rin ang College of Engineering (COE) ng mga aktibidad na sumasalamin sa matibay at matatag na relasyon ng mga guro at mag-aaral sa Kolehiyo ng mga ito.
Sa hapon naman, sa kabila ng pagbuhos ng ulan, matagumpay na naisagawa ang Gawad Parangal at Socialization Period na pinangunahan ng PLP Supreme Student Council (PSSC) sa PLP Lobby. Dito, pinarangalan ang mga full-time at part-time teachers ng bawat kolehiyo, kasabay ng musika mula sa bandang Layag ng COED.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni University President Dr. Glicerio Maningas na ang mga guro ay kilala bilang isang dakilang bokasyon at sila ang mga gabay, tagapaghubog, at katuwang sa pagtupad ng pangarap ng bawat mag-aaral.
Patunay ang mga makukulay na aktibidad at programa na higit na pinahahalagahan ng Pamantasan ang kanilang mga guro na isa sa mga tunay na susi sa tagumpay ng layuning nitong edukasyon para sa sarili, pamilya, at bayan.









