Isinagawa ng College of Nursing (CON) ngayong araw, Oktubre 1, ang ika-20 nitong Capping, Pinning, and Candle Lighting Ceremony sa PLP Auditorium sa temang “A Commitment to Serve with Faith, A Life Dedicated to Care.”
Sumisimbolo ang programa sa mahalagang yugto ng pormal na pagtanggap ng mga Student Nurse (SN) sa kanilang tungkuling maglingkod at mag-alaga bilang mga nars sa hinaharap.
Dinaluhan ito ng mga magulang, mga mag-aaral sa unang taon, at kaguruan mula sa CON, gayundin ng mga opisyal ng Nightingales of Pasig (NOP) at mga panauhing pandangal mula sa iba’t ibang ospital.
Binigyang-diin ng panauhing tagapagsalita na si Bb. Maria Levee Genalin C. Lim ang kahulugan ng Batch Servire Fidelis o “to serve faithfully,” na aniya’y siyang diwa ng kanilang bokasyon.
“Don’t give up; look for your purpose. When you receive your cap and pin, don’t see it as a collection but as a reminder of your responsibility,” dagdag pa niya.
Bumisita rin sa programa sina Alkalde Vico Sotto at Bise-Alkalde Dodot Jaworski, kasama ang ilang konsehal, upang magbigay ng kanilang mensahe para sa mga mag-aaral.












