Isang taos-pusong pasasalamat sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Pasig City CSO Academy (PCCA) sa paanyaya na maging bahagi ng isang makabuluhang gawain: ang Pasig City CSO Academy Operations Manual Workshop.
Sa loob ng tatlong araw na ginanap ang workshop, tinalakay at pinagtuunan ng pansin ang pagpapabuti ng mga proseso at operasyon ng CSO Academy. Layunin nitong mas mapaigting ang kakayahan ng mga civil society organizations (CSOs) sa lungsod at makabuo ng isang Operations Manual na magsisilbing gabay hindi lamang sa Pasig, kundi maging modelo para sa iba pang mga lokalidad na nagnanais magtatag ng kani-kanilang CSO Academy.
Isang karangalan para sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig na maging kabahagi sa ganitong inisyatiba: isang hakbang tungo sa mas matatag, mahusay, at inklusibong ugnayan ng pamahalaan at ng mga mamamayan. Maraming salamat, DILG at PCCA, sa pagtitiwala at pagkakataong maging katuwang sa pagtataguyod ng makabuluhang pagbabago sa ating komunidad.








