Sa kanyang State of the City Address (SOCA) 2025, binigyang-diin ni Hon. Mayor Vico Sotto ang mga mahahalagang tagumpay ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP) bilang bahagi ng mga pangunahing accomplishment ng Pamahalaang Lungsod sa larangan ng edukasyon.
Kabilang sa mga natampok ay ang pagkakaloob ng Certificate of Program Compliance (COPC) sa lahat ng academic programs ng Pamantasan, na nagpapatunay sa patuloy na pagtutok ng PLP sa dekalidad, akreditado, at may pamantayang edukasyon para sa mga mag-aaral.
Ipinagmalaki rin ni Mayor Sotto ang mga kamakailang tagumpay ng PLP sa mga professional licensure examinations, partikular ang College of Nursing bilang Top 1 (100% Passing Rate) at ang College of Education bilang Top 6 (93.46% Passing Rate) sa mga nangungunang paaralan sa buong bansa. Ang mga parangal na ito ay patunay ng kahusayan at dedikasyon ng buong komunidad ng PLP.
Sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig, ang Pamantasan ng Lungsod ng Pasig ay nananatiling katuwang sa pagsusulong ng makabuluhan, inklusibo, at dekalidad na edukasyon para sa bawat Pasigueño.
Mapapanood ang bahagi ng ulat na tumatalakay sa PLP sa 1:31:47 ng buong video sa sumusunod na link:
https://www.facebook.com/PasigPIO/videos/1494538188461188
